5 rebelde, sumuko sa militar sa Sultan Kudarat

Sultan Kudarat – Sumuko sa militar ang limang miyembro ng New People’s Army sa Barangay Nililidan, Kalamansig, Sultan Kudarat kaninang umaga.

Ayon kay 6th Infantry Division Spokesperson Captain Arvin Encinas, sumuko mismo sa tropa ng 57th Infantry Battalion at Marine Batallion Landing Team 2 ang limang rebelde.

Ang limang rebelde ay kabilang sa Platoon Myphone of Guerilla Front 73.


Isinuko rin ng mga rebelde ang kanilang isang M16 rifle, isang M14 rifle at isang Ultimax caliber 5.62 rifle.

Sinabi naman ni Major General Dela Vega ang commander ng 6th Infantry Division na ang pagsuko ng mga rebelde ay resulta ng magandang samahanan ng mga sundalo at civil authorities.

Facebook Comments