5 sasakyan, kasamang nasunog sa Toyota sa Taguig City

205

Umaabot sa halagang ₱350,000 ang halaga ng sunog, hindi pa kasama ang limang sasakyan kung saan tatlo ang total burned at 2 naman ang partially burned sa nangyaring sunog sa Toyota Philippines sa 28th Street, Bonifacio Global City, Taguig City.

Ayon kay Fire Sr. Inspector Demetrio Sablan Jr., nagsimula ang sunog pasado alas-10:00 ng umaga kanina sa ginagawang bahagi ng Toyota Building sa 3rd Floor kung saan nasunog ang limang sasakyan sa Mezzanine Area sa ikalawang palapag na nagsisilbing showroom.

Mabuti na lamang at naisalba ang iba pang mga sasakyan na nakaparada sa ikalawang palapag.


Wala namang naitalang nasugatan o nasawi.

Nagpapatuloy pa rin ang isinagawang imbestigasyon.

Facebook Comments