5, sawi sa nagka-aberyang Cessna plane sa California

California – Lima ang patay habang dalawa ang sugatan matapos magkaaberya at tumama sa isang bahay ang isang Cessna plane sa California.

Ayon kay Federal Aviation Administration Spokesman Allen Kenitzer, ang Cessna 414A, na kayang magsakay ng hanggang 8 pasahero ay umalis sa Fullerton Municipal Airport.

Nasunog ang 2 palapag na bahay na tinamaan ng main cabin at isa sa mga makina ng eroplano.


Kumalas ang pangalawang makina at nalaglag sa kalsada, dahilan ng malaking butas sa aspalto.

Ang main body ng eroplano ay nakita sa likuran ng isa pang bahay malapit sa nasunog na bahay.

Facebook Comments