5 suspek sa tangkang pagkidnap sa isang Chinese National sa Makati, arestado

34

Dinakip ng mga tauhan ng Makati City Police station ang 5 indibidwal, kabilang ang isang chinese national, sa tangkang pagdukot sa isa pang Chinese National kaninang madaling araw.

Ayon kay Philippine National Police Spokesperson Police Brig. Gen. Bernard Banac, ang mga suspek ay kinilalang sina: Mark Anthony Brillante Pareño, 24 years old; John Valentino Muega, 24 years old; Reyan Guinson Villanueva, 35 years old; Joe Marie Abrid Lavilla, 31 years old; at Zhaochun Chen aka “Zhan Hao”, 21 years old Chinese National.


Nagsasagawa ng beat patrol ang mga pulis ng Makati kaninang 2:00 ng madaling araw sa Kalayaan Avenue corner Burgos Street Barangay Poblacion, Makati City nang ma-aktuhan nila ang mga suspek sa tangkang pangi-ngidnap.

Sinita ng mga pulis ang mga suspek habang kinakaladkad ang biktimang Ma Zhi Rui, 36 years old Male, isang Chinese National para maisakay sa isang puting Toyota Super Grandia VX-1750.

Tinangka pa umano ng mga suspek na suhulan ng 100,000 piso ang mga pulis, pero sila ay agarang inaresto.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang mga suspek na nahaharap sa kasong kidnapping and bribery.

Facebook Comments

From Advertisers