5 sweeper flights para sa OFWs, lilipad ngayong araw patungo at mula sa iba’t ibang mga lalawigan

51

Limang sweeper flights ang paalis at padating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw para sa Overseas Filipino Workers (OFWs).

Kabilang sa sweeper flights ang Cebu Pacific flight 5J484 mula Bacolod at dumating ng NAIA Terminal 3 bago mag alas-10:00 ngayong umaga.

Isa ring Cebu flight 5J626 mula naman sa Dumaguete ang darating ng Manila ng 2:10 ng hapon.

Nakatakda ring dumating ang Air Asia flight Z2-8359 mula Tagbilaran to Manila mamayang alas-5:40 ng hapon.

Samantala, lumipad ang Cebu Pacific flight 5J625 mula manila patungong Dumaguete ng alas 10:35 ngayong umaga habang ang Air Asia Flight Z2-8358 ay nakatakdang lumipad ng alas 2:00 ng hapon mula Manila patungong Tagbilaran, Bohol.

Layon ng sweeper flights na maihatid sa mga lalawigan ang OFWs na dumating mula sa iba’t ibang bansa.

Habang ang sweeper flights naman na magmumula sa mga lalawigan ay maghahatid ng mga pasaherong patungo ng Metro Manila partikular ang mga naipit sa lockdown sa iba’t ibang lalawigan.




Facebook Comments