
Noong January 26, 2020 nang masawi si Kobe sa helicopter crash sa Calabasas, California.
Kasama sa walo pang indibidwal na nasawi ang kaniyang anak na si Gianna na edad 13 lamang noon.
Nagluksa ang mundo ng sports sa nakakagulat na pangyayari lalo na’t kilala si kobe sa pagiging dedicated at ibinibigay ang lahat para sa kompetisyon.
Sa pagtatapos ng kaniyang karera sa NBA, mayroon siyang nakuhang limang kampyonato at ika-apat sa all-time leading scorer na may 33,643 points.
Kumatawan din siya para sa Estados Unidos kung saan nakasungkit sila ng dalawang Olympic gold medals at kasama na rin siya sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame.
Facebook Comments