50, 000-60, 000 inaasahang bibisita sa ACAMP

*General Santos City— Tinatayang aabot sa 50, 000 hanggang 60, 000 ang inaasahang bibisita sa Antonio C. Acharon memorial park o ACAMP na pampublikong libingan dito sa lungsod ng Heneral Santos.*

*Ayon kang Mary Ann Bacar, ang ACAMP Coordinator na sa ngayon, tinatayang aabot sa 26, 000 ang papulasyon ng nasabing libingan.*

*Isa sa mga nakitang problema kaninang umaaga ng dumagsa ang tao ay ang trapiko kung saan hinaharangan umano ng mga nagtitinda ng kandila at bulaklak ang mga bisita dahilan upang magsikip ang mga daanan na agad namang naaksyunan ng kapulisan.*


*Nanatili namang bawal ang pagdadala ng sigarilyo, lighter at iba pang kontrabandokung saan karamihan sa mga nakumpiska ay mga lighter at sigarilyo.*

*Nanawagan naman ng otoridad na kung maaari ay huwag ng magdala ng mga malilit na bata dahil sa init ng panahon o biglang pagbuhos ng ulan.*

*Pinapayagan naman ang kapulisan ang pag-oovernight sa nasabing libingan ngunit mahigpit ang paalalang bawal pa rin ang magdala ng alak dahil siniguro nila na palalabasin ang sino mang mahulihan nito.*

Facebook Comments