50-ANYOS NA GINANG SA BAYAN NG CALASIAO, PATAY MATAPOS PAGBABARILIN NG HINDI PA NAKIKILALANG SUSPEK

Patay ang isang ginang sa bayan ng Calasiao matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek Biyernes ng gabi.

Nakilala ang biktimang si Baby Austria, 50-anyos, residente ng Brgy. Doyong, sa nasabing bayan kung saan napag-alaman sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Police Major Jerylle Caranay, na nangungupahan lang umano ang mag-anak kasama ang dalawang anak nito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pasado alas otso ng gabi ng madiskubre ng anak nitong lalaki ang nanay nitong nakahandusay na sa kanilang tindahan kung saan nagtamo ito ng isang tama na baril sa bahaging kanang balikat nito.


Agad na itinakbo sa pinakamalapit na pagamutan para malapatan ng medikal na atensyon ang biktima ngunit idineklara na itong Dead on Arrival ng doktor.

Ayon pa kay Caranay, humingi na sila ng tulong sa SOCO para mabilis na maproseso imbestigasyon.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa mga kalapit na himpilan ng pulisya para magsagawa ng Dragnet operation sa posibleng suspek.

Nakatakda namang isailalim ang bangkay ng biktima sa autopsy.

Sa ngayon patuloy pa rin ang paghahanap sa pagkakakilanlan ng suspek at sa patuloy na pagsisiyasat ng awtoridad kung may mga nakaalitan ito o may nakasamaan ng loob.

Nagpanawagan naman ang pulisya sa publiko na makipagtulungan sakaling may makakilala sa upang mahuli na ito.

Samantala, nakipag-ugnayan na rin ang pulisya sa mga kalapit na kamag-anak ng biktima kung saan isang grupo umano ng mga Muslim ang susundo sa pamilya ito.

Facebook Comments