50 anyos na lola, patay matapos pagbabarilin sa Quezon City

Quezon City – Patay ang isang 50 anyos na lola makaraang pasukin sa kaniyang tinutuluyan at pagbabarilin sa Barangay Holy Spirit, Quezon city.

Sa initial na imbistigayon ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, ala una pasado ng madaling araw, nang nakarinig ang mga residente ng mag kakasunod ng putok ng baril, bago nadiskubre ang duguang katawan ng lola.

Nabatid na dalawang beses nang naghimas rehas ang biktimang si Loreta Albeza dahil sa iligal na droga.


Sa kasalukuyan, blangko pa ang mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng suspect at sa posibleng motibo sa pamamaril.

Facebook Comments