50 bahay, natabunan ng lupa sa landslide sa Cam Sur

94

Halos limampung bahay pa ang natabunan ng lupa sa landslide sa Sitio Garang, Barangay Patitinan, Sagñay, Camarines Sur.

Ayon kay Sagñay MDRRMO Chief Don Panoy, hindi pa nila matiyak ang dami ng natabunang pamilya at indibidwal.

May lawak aniya ang landslide na anim hanggang walong ektarya.

Pinangangambahan din na kasamang natabunan ng lupa ang mga sasakyang dumaraan sa national highway ng nasabing lugar.

Facebook Comments