500 miyembro ng NPA, sumuko

841

Manila, Philippines – Umabot ng mahigit 500 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa gobyerno mula nang suspendihin ang usapang pangkapayapaan sa makakaliwang grupo.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief, Col. Edgard Arevalo – ang sunud-sunod na pagsuko ng mga rebelde ay bunga ng pinalakas na operasyon ng militar laban sa naturang rebeldeng grupo.

Ito ay dahil mas nahihirapan gumalaw ang mga rebelde kung saan ang ilan sa mga ito ay nagdesisyon na lamang na sumuko.

Tiniyak naman ng AFP na buong lugod nitong tatanggapin ang mga susukong miyembro ng NPA at handa itong tumulong para sa pagbabalik normal ng kanilang pamumuhay.

Facebook Comments