5,000 empleyado ng PGH, target na mabakunahan laban sa COVID-19

26

Target ng Philippine General Hospital (PGH) na mabakunahan ang nasa 5,000 empleyado nila laban sa COVID-19 sa loob ng isang linggo.

Ayon kay PGH Spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, mayroon na silang nakalatag na sistema at priority list.


Uunahin aniya nila ay mga frontliner na nag-aalaga sa mga pasyente, mga doktor, nurse at paramedics.

Mayroon din silang schedule kung sinu-sino ang isasalang sa vaccination.

Dagdag pa ni Del Rosario, maaari namang tumanggi ang kanilang empleyado kung ayaw nilang magpabakuna.

Paglilinaw naman ng PGH na hindi sakop ng kanilang vaccination ang immediate family ng kanilang empleyado.




Facebook Comments