52 na kababaihan, na-rescue sa isang sex den sa Pampanga

114

Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang 52 na mga kababaihan sa kanilang isinagawang pagsalakay sa isang drug den sa Mabalacat, Pampanga.

Ito ang inihayag ni PNP Chief General Debold Sinas.


Aniya, sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng Regional Anti-Trafficking in Persons Task Group at Mabalacat Municipal Police Station ay natukoy ang sex den at sinalakay.

Naaresto naman ang limang suspek na nag-o-operate ng sex den at kinilala ang mga ito na sina Lauren Sta. Iglesia, 24 anyos, Hazzel Sanchez, 28 anyos, Alysa Bautista, 21 anyos, Meli Ngo, 58 anyos at Prince Cedrick Galang, 24 anyos.

Nakuha sa mga suspek ang cash na aabot sa mahigit P20,000, isang desktop at dalawang logbooks.

Kinasuhan na ang mga suspek ng paglabag sa RA 10364 o ang Anti-trafficking in Person Act.




Facebook Comments