54 na mga natukoy sa contact tracing at nakasalamuha ng COVID-19 positive na miyembro ng BFP isasailalim sa swab test ngayong araw

35

Kalibo, Aklan — Ngayong araw nakatakdang isasailalim sa swab test ang 54 na mga indibidwal na natukoy sa isinagawang contact tracing at nakasalamuha ng COVID-19 positive na miyembro ng BFP.
Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon Jr., Provincial Health Officer I ng PHO-Aklan na ang 54 na mga indibidwal ay kinabibilangan ito ng mga hotel staff kung saan nag stay ang BPF Personnel at mga kasamahan nito, mga nakasabay na pasahero sa bangka at iba pa ng BFP staff.
Dagdag pa ni Cuachon na mas minabuti nilang isailalim sa swab test ang mga ito kahit na wala namang direct exposure sa pasyente para na makasiguro.
Sinabi pa nya nya maliban sa mga ito na kukunan ng swab test ngayon ay meron pang 40 na pending result sa West Visayas Medical Center (WVMC).

Facebook Comments