Tatlong kalalakihan ang inaresto ng awtoridad sa isinagawang buy bust operation sa Dagupan City.
Nahulihan ng anim na pakete ng shabu ang mga suspek na may bigat na 8 gramo, na tinatayang nagkakahalaga ng PhP 54,400.
Kasama rin sa mga nakumpiska ang iba’t ibang drug paraphernalia at mga ginamit na “mark money” at “boodle money.”
Kulong ang tatlo na nakadetene sa Dagupan City Custodial Facility at haharap sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments