55 pulis nadagdag sa bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 – PNP

66

Umakyat na sa 8,190 na tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang nagpositibo sa Coronavirus disease.

Ito ay matapos makapagtala ang PNP ng 55 bagong kaso.


Bukod dito aabot na sa 7,745 ang gumaling matapos makarekober sa sakit ang 23 PNP personnel.

Nananatili sa 26 ang bilang ng mga nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, mayroong 419 active cases sa ahensya.

Facebook Comments