57 gusali, na-clear na ng militar sa Marawi City

203

Marawi City – Dahil sa magkasabay na combat at clearing operation sa Marawi City umabot na sa 57 mga gusali ang na-clear na nang tropa ng pamahalaan.

Ayon kay 1st Infantry division spokesperson Lt. Col. Jo-Ar Herrera, pahirapan sa militar ang pagsasagawa ng clearing operation.

Ito ay dahil naglalagay ng trap ang mga terorista sa bawat gusaling kanilang pinagtaguan.


Kaya sa panig ng tropa ng pamahalan mas nagiging maingat sila sa paglilinis o pagsasagawa ng clearing operation upang hindi na madagdagan pa ang mga nasasawi at nasusugatang sundalo.

Sa ngayon, hindi pa masabi ng militar kung cleared na ang isa sa apat na barangay na may presensya pa ng Maute Group.

Facebook Comments