57 pulis, nadagdag sa bilang ng mga positibo sa COVID-19

36

Panibagong 57 na pulis ang nadagdag sa bilang ng mga pulis na nagpositibo sa COVID-19 kaya naman umabot na sa 7,874 ang kabuoang bilang ng COVID-19 cases sa Philippine National Police (PNP).

Batay sa ulat PNP Health Service, 26 ang naitalang bagong kaso sa PNP Region 8, tig-anim sa PNP Region 3 at PNP Region 4A, apat sa National Capital Region Police Office (NCRPO), tatlo sa PNP Region 6, tig-dalawa sa National Administrative Support Unit, PNP Region 10, at PNP Region 7.


Tig-iisa ang new COVID cases sa PNP Region 4B, at PNP Cordillera.

Good news naman dahil may 25 na mga pulis ang gumaling na sa COVID-19, kaya mayroon nang kabuoang 7,462 police personnel ang gumaling.

Nasa 25 pulis naman ang nasawi dahil sa COVID-19.

Facebook Comments