6.4M COVID-19 vaccine, darating sa bansa bago matapos ang Hunyo

45

Aabot sa 6.4 million COVID-19 vaccines mula sa iba’t ibang manufacturers ang darating sa Pilipinas, bago pa matapos ang buwan ng Hunyo.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., ang mga paparating na mga bakuna ang siyang pupuno sa target deliveries ng pamahalaan ngayong buwan na aabot sa 10,804,820 COVID-19 jabs.


Aniya, 4 million Sinovac COVID-19 vaccines ang darating sa bansa ngayong buwan ng Hunyo.

Nasa 250,000 COVID-19 vaccines naman mula Moderna ng Estados Unidos ang ide-deliver sa Hunyo 25.

Sa ikatlong linggo naman ng Hunyo, sinabi ni Galvez na 2.028 million AstraZeneca COVID-19 vaccines na donasyon ng United States sa COVAX Facility ang ide-deliver sa Pilipinas.

Darating din ang karagdagang 150,000 doses ng Sputnik V sa bansa ngayon buwan, pero wala pang petsa kung kailan ito.



Facebook Comments