6-bedroom manor house sa UK, ipina-raraffle lang

25

United Kingdom – Alam niyo ba, isang six-bedroom manor house sa Lancashire, UK ang inira-raffle ngayon ng may-ari nito?

At ang ticket para sa raffle, mabibili lang sa halagang $2.5 o katumbas ng P123.00!

Kwento ni Dunstan Lowe, taong 2011 nang mabili niya ang bahay sa halagang halos 27-libong piso.

Pero matapos na malubog sa utang, tatlong beses niya ito sinubukang ipagbili sa halagang higit 52-milyong piso.

Yun nga lang, walang nagka-interes na bilhin ang bahay kaya naisipan niyang, ipa-raffle na lang ito.

Talaga namang swerte ang mabubunot sa raffle dahil sa halagang 123 pesos lamang ay mapapasayo na ang bahay na may anim na kwarto, kusina, cinema room, ballroom, bagong gawang banyo, parking lot na kasya ang anim na sasakyan at mayroon pang garden sa labas ng bahay!

Pero sakaling may bumili ng bahay bago ang raffle sa August 1, 2017, balak ni Lowe na ipa-raffle na lang ang makokolekta niyang pera mula sa mga ticket.
Nation”

Facebook Comments