6 katao patay habang 36 ang isinugod sa ospital, matapos magkarambola ang nasa 100 sasakyan sa Texas

10512
Photo Courtesy: Dallas Morning News

Tinatayang aabot sa anim ang patay habang 36 ang isinugod sa ospital matapos magkarambola ang maraming sasakyan sa Interstate 35W sa Texas City of Fort Worth.

Ayon sa mga otoridad, nasa 75 hanggang 100 sasakyan ang sangkot sa aksidente.


Isa sa mga tinitignang dahilan ay ang sobrang lamig na panahon na nagdulot ng pamumuo ng yelo sa kalsada na aabot sa 10 pulgada ang kapal.

Sa ngayon, paliwanag ni Matt Zavadsky, Spokesman ng MedStar ambulance service, patuloy nilang inoobserbahan ang mga biktima at nangakong makikipag-ugnayan sa mga otoridad para sa kaukulang impormasyon sa insidente.

Facebook Comments