
Sa ikinasang entrapment operations ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) Batangas District Office, nai-rescue ang anim na indibidwal, kabilang na ang tatlong menor de edad, mula sa kamay ng isang human trafficker na involve sa sexual exploitation.
Ang mga biktima ay inaalok sa mga parokyano kapalit ng P2,000 hanggang P8,000.
Mula sa Lipa City, dinala ang mga biktima sa Batangas City, at doon na ito na-rescue ng undercover agent.
Agad inaresto ang human trafficker dahil sa paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022, at iniharap sa isang inquest proceedings.
Samantala, ang mga biktima, kabilang na ang mga menor de edad, ay i-aassess ng Social Welfare Officers bago sila dalhin sa Tahanan ng Inyong Pag-Asa Center ng Department of Justice Inter Agency Council Against Trafficking (DOJ-IACAT).