6 na kaso ng tigdas, naiulat sa Barangay Culiat, QC —QCESD

Umakyat na sa anim na kaso ng tigdas ang naitala sa Barangay Culiat, Quezon City.

Ito ang inanunsyo ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division (QCESD) matapos na tuloy-tuloy ang ginagawang pagtukoy ng QCESD para sa mga apekto ng tigdas.

Ayon sa talaan, aabot sa 16 na kaso ang tigdas ang naiulat sa Barangay Culiat mula April 19 hanggang May 21, 2025.

Natukoy ng QC-Epidemelogy Survellance Division ang hawaan ay mula sa outbreak sa Salam Compound sa Barangay Culiat, QC.

Paliwanag nila na wala namang naitalang nasawi mula sa kaso ng tigdas.

Kabilang sa mga tinamaan ng tigdas ay tatlong buwan hanggang 19 na taong gulang.

Kasunod nito, tuloy-tuloy ang active case finding at contact tracing ng QC-Epidemelogy Survellance Division kung saan ay regular din ang pagbabakuna para maiwasan na tumaas pa ang kaso ng tigdas sa nasabing lugar.

Facebook Comments