6 na kataong nagpakilala bilang Taguig Police, arestado dahil sa pangingikil

158

Taguig City – Tiklo ang anim na nagpakilalang Taguig Police matapos ireklamo ng pangingikil.

Nabatid na isinama ng mga nagpakilalang pulis ang biktimang si Julius Lee Sabiano sa barangay hall sa West Bicutan, Taguig City dahil may dala “daw” itong iligal na droga.

Kinilala ang mga suspek na sina Regie Adrales; Rolly Barcelo; Bobby Tejero; Antonio Bontia; Antonio Bag-Ao at Stephanie Villanueva.


Ayon naman sa partner ni Sabiano, humingi na siya ng tulong sa mga pulis dahil sa panggigipit ng mga suspek.

Aniya, unang humingi ang mga ito sampung libo para makalaya si Sabiano pero kinalaunan ay ibinaba na lang ito sa anim na libong piso.

Kaya naman kaagad na nagsagawa ng entrapment operation ang mga otoridad.



Narekober naman mula sa mga suspek ang marked money, isang kalibre 38, isang kalibre 45 at isang 9mm short pistol.

Facebook Comments