
CAUAYAN CITY – Sumiklab kahapon, ika-21 ng Abril ang sagupaan sa pagitan ng mga rebeldeng grupo at militar sa Brgy. Tappa, San Mariano, Isabela.
Sa naging panayam ng IFM News Team Major Ed Rarugal, spokesperson ng 5th Infantry Division, bandang 8:45 ng umaga nang makasagupa ng mga militar ang natitira pang miyembro ng Komiteng Rehiyon Cagayan Valley (KRCV) habang nagsasagawa ng pursuit operation.
Aniya, ang nabanggit na rebeldeng grupo ay ang mga nakatakas at kanilang ring naka-engkwentro sa bayan ng Jones, Isabela nito lamang ika-20 ng Abril.
Ayon din sa kanya tinatayang nasa anim (6) na mga rebelde ang naka-engkwentro ng mga militar.
Sa kabutihang palad, wala namang casualties na naitala sa hanay ng mga militar at patuloy pa rin ang kanilang pagsasagawa ng operasyon.