6 na ospital, nabigyan na ng compassionate special permit para sa paggamit ng Ivermectin

39

Anim na ospital na ang nabigyan ng Food and Drug Administration (FDA) ng Compassionate Special Permit (CSP) para sa paggamit ng Ivermectin sa mga pasyenteng may COVID-19.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, pawang mga pribadong ospital ang nabigyan ng CSP.


Hindi naman na pinangalanan ng ahensya ang mga ospital upang hindi malabag ang privacy ng mga pasyente.

Sa kabila ng pagkakaloob ng CSP, nilinaw ni Domingo na hindi pa rin maaaring ibenta ang Ivermectin, commercially.

Facebook Comments