6 na police officials kabilang ang dating PNP Spokesperson na-promote

52

Tumaas ang ranggo ng anim na Police Officials ng Philippine National Police kabilang na ang dating tagapagsalita ng PNP na si Chief Supt Benigno Durana na ngayon ay promoted na bilang Police Director.

 

Bukod kay Durana na-promote rin sina Police Chief Supt Mariel Maniego Magaway, Police Chief Supt Jonas Binamira Calleja at Police Chief Supt  Reynaldo Guban Biay sa ranggong Police Director.

 

Promote naman sa ranggong one star rank o Heneral sina Police Sr. Supt. Joselito Fernandez Salido at Police Sr. Supt Ronaldo Genardo Evangelista Ylagan.

 

Si Police Director Durana ay kasalukuyan na ngayong director ng  PNP Directorate for Police Community Relations (DPCR), si Calleja naman ay director for Directorate for Plans, si Biay ay kasalukuyang director Civil Security Group habang si Police Director  Magaway ay kasalukuyang director ng Directorate for Human Resource and Doctrine Development (DHRDD).

 

Ang promosyon ng mga ito ay mismong inaprobahan ni Pangulong Rodrigo Duterte batay na rin sa rekomendasyon ng National Police Commission o NAPOLCOM na nakabase sa republic Act No. 6975.

Facebook Comments