6 na presidential at 4 na vice presidential candidate, dadalo sa panel interview ng COMELEC at KBP

168

Kinumpirma ng Commission on Elections na anim na kandidato lamang sa pagkapangulo ang dadalo sa panel interview na inorganisa ng COMELEC at Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP).

Ayon kay COMELEC Commissioner George Erwin Garcia, kinabibilangan ito nina Senador Manny Pacquiao, dating Presidential Spokesman Ernesto Abella, Leody de Guzman, dating Defense Secretary Norberto Gonzales, Faisal Mangondato at Dr. Jose Montemayor Jr.

Hindi naman dadalo sina presidential candidates Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., Vice President Leni Robredo at Manila Mayor Isko Moreno.


Para naman sa Vice Presidential candidates, kumpirmadong dadalo sina Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Rizalito David, Manny Lopez at Carlos Serapio.

Ang panel interview na ito ay kapalit ng nakanselang “PiliPinas Debates 2022” ng COMELEC.

Nauna nang sinabi ni Garcia na ‘taped as live’ na ieere ang mga interview sa Mayo 2 hanggang 6 at walang editing na gagawin.



Facebook Comments