6 na rehiyon sa bansa focus ng 3-day National Vaccination Drive

Tututukan ng tatlong araw na Bayanihan Bakunahan ang anim na rehiyon sa bansa.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., kabilang dito ang Region 3, Region 4-A, Region 5, Region 12, Region 9 at BARMM.

Ani Galvez, ang mga rehiyong ito kasi ang may pinakamarami pang mga hindi nababakunahan.


Sa Region 3 at 4-A pa lamang aniya ay mayroong limang milyon ang hindi pa bakunado, kaya target nilang makapagbakuna sa dalawang rehiyong ito ng tatlong milyon sa kabuuang tatlong araw na bakunahan.

Facebook Comments