6 pang batch ng Pinoy repatriates, sunod-sunod na dumarating ngayong araw sa bansa

38

1,792 Filipino repatriates na sakay ng anim na flights ang sunod-sunod na dumarating ngayong araw sa bansa.

Unang dumating ang 350 Pinoy repatriates mula United Arab Emirates (UAE) via Philippine Airlines flight PR659 na dumating kaninang alas-8:55 ng umaga.

Sumunod ang 350 Pinoy repatriates mula Jeddah sakay ng Saudia Airlines flight SV862 na dumating kanina bago mag-alas-2:00 ng hapon.

320 Overseas Filipino Workers (OFWs) din mula sa Dubai sakay naman ng Emirates Airlines flight EK332 ang darating sa bansa mamayang alas-4:15 ng hapon.

Habang ang 200 repatriates mula Haneda, Japan na sakay ng Philippine Airlines flight PR421 ay darating din ng alas-4:05 ng hapon.

Ganundin ang 272 repatriates mula Guangzhou, China na sakay naman ng Philippine Airlines flight PR315 at darating sa bansa mamayang alas-9:00 ng gabi.

Habang ang pinakahuling 300 Pinoy repatriates mula South Korea na sakay naman ng Asiana Airlines flight OZ703 ang darating ng alas-10:05 mamayang gabi.




Facebook Comments