6 sa kada 10 Pilipino, gustong magpabakuna kontra COVID-19 – OCTA Research Group

Anim sa kada 10 matandang Pilipino ang nais magpabakuna bilang panlaban sa COVID-19.

Ito ang lumabas sa isinagawang survey ng OCTA Research Group kung saan katumbas ito ng halos 61% .

Sa nasabing bilang, 36% dito ang nabakunahan na habang 24% ang magpapabakuna pa lamang.


22% naman ang nagsabing ayaw nilang magpabakuna.

Samantala, ang rehiyon ng Visayas ang nakapagtala na pinakamataas na vaccine hesitancy na may 32%, sinundan ng Balance Luzon na may 24%,
Mindanao na may 19% at National Capital Region na may 5%.

Nabatid na ang survey ay isinagawa sa 1,200 respondents noong Setyembre 11 hanggang 16 ng kasalukuyang taon.

Facebook Comments