60-anyos na Lalaki, Patay sa kasagsagan ng Pag-uulan sa Cagayan

180

Cauayan City, Isabela- Natagpuan na ang bangkay ng isang lalaki makaraang maiulat na nawawala ito sa kasagsagan ng pagbaha sa bayan ng Sanchez Mira, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Artemio Bumiltak, 60-anyos at residente ng Brgy. Santiago sa naturang bayan.


Nagtulong-tulong ang mga residente sa lugar maging ang Marine Battalion Landing Team-10, Rescue 18, Sanchez Mira hanggang sa natagpuan ang wala ng buhay na katawan ng biktima.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, kinuha ng biktima ang kanyang alagang baka noong Sabado (October 24,2020) kahit kasalukuyan ang kasagsagan ng buhos ng ulan na dahilan ng malawakang pagbaha sa lugar hanggang hindi na ito nakabalik pa sa kanilang tahanan.

Posible namang tinangay ng malakas na agos ng tubig ang biktima na sanhi ng kanyang pagkalunod.

Patuloy naman ang pagbibigay ng babala ng mga kinauukulan sa publiko na iwasan munang magtungo sa mga ilog dahil sa malakas ang agos bunsod ng pag-uulan.




Facebook Comments