60% NA TOTAL REGISTERED VOTERS SA BUONG ILOCOS REGION, NAITALA NG PANGASINAN AYON SA COMELEC REGION 1

449

Pumalo sa kabuuang 3,546,764 ang bilang ng mga rehistradong botante na maaaring makaboto sa darating na 2022 Local and National Election.

Sinabi ni COMELEC Assistant Regional Director Atty. Reddy Balabar na ang Pangasinan ang may hawak ng animnapung porsyento (60%) ng bilang ng botante sa buong Region 1 kung kaya’t marami umano sa mga national politicians ang nagtutungo dito.

Naitala ng Pangasinan ang 2, 096,936 na registered voters; Ilocos Sur na may 538,730; Ilocos Sur na 476,984; Ilocos Norte na may 434, 114.


Dagdag ni Balabar na dinagdagan nila ngayon ang voting centers dahil na rin umano sa pandemya kung saan umabot sa 5,376 ang gagamiting pagbobotohan at ang Pangasinan ay may 1,196 voting centers; 416 sa La Union; 650 sa Ilocos Sur; 399 naman sa Ilocos Norte.

Pinahaba rin umano ang oras ng pagboto na aabot ng labing tatlong oras na magsisimula sa ganap na alas-6 ng umaga hanggang ala-7 ng gabi.

Nakiusap naman ang opisyal na publiko na habaan ang pasensya at huwag pairalin ang init ng ulo dahil sa naniniwala ang pamunuan ng COMELEC na ginawa nila ang lahat ng paghahanda katuwang ang lahat ng deputized agencies para maayos na maisagawa ang eleksyon.



Maitatawid naman umano ang kaganapan ngunit kailangan rin umano ng pakikipagtulungan ng publiko. | ifmnews

Facebook Comments