6000 alumni at kanilang mga dependent, inaasahan na dadalo sa PMA alumni homecoming bukas

Baguio – Inaasahan ng Philippine Military Academy (PMA) ang anim na libong mga PMA Alumni at kanilang mga dependents ang makikilahok bukas para sa gaganaping PMA alumni homecoming bukas sa Baguio City.

Dahil ditto, ayon kay PMA Spokesperson Col. Harry Valliaga, inihanda na nila ang traffic scheme at nagdagdag sila ng mas maraming parking space sa loob ng PMA nang sa ganun ma-accomodate ang lahat ng bisita.

Mas maghihigpit naman ng seguridad ang PMA kasunod nang nangyaring pagsabog sa Jolo, Sulu kamakailan.


Nag-imbita ang PMA ng mga special unit na tututok sa pagbibigay mg mas mahigpit na seguridad.

Facebook Comments