Umabot sa 64 na wanted persons ang naaresto ng Police Regional Office 1 (PRO 1) sa magkakahiwalay na operasyon sa iba’t ibang bahagi ng Region 1 bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga indibidwal na may kinakaharap na kaso sa batas.
Ayon sa PRO 1, isinagawa ang serye ng targeted law enforcement operations mula Hunyo 1 hanggang 7, 2026, na nagresulta sa pagkakaaresto ng 14 na Most Wanted Persons (MWPs). Kabilang dito ang dalawang wanted person sa regional level, pito sa provincial level, at lima sa municipal level.
Bukod sa mga Most Wanted Persons, nadakip din ng mga operatiba ang 50 iba pang wanted persons sa magkakahiwalay na operasyon sa buong rehiyon.
Ayon sa pulisya, ang matagumpay na operasyon ay bunga ng mas pinaigting na pagpapatupad ng Enhanced A.L.E.R.T.O. Framework, na nakatuon sa intelligence-driven targeting, synchronized police actions, at pinalakas na koordinasyon ng mga operating units sa field upang mas mapabilis at maging epektibo ang paghuli sa mga indibidwal na may pananagutan sa batas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








