65 ANYOS NA LOLO PATAY MATAPOS UMINOM NG LASON SA PANGASINAN

42

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang 65 anyos na lolo matapos itong uminom ng lason sa Brgy Tebuel, Manaoag, Pangasinan.

Kinilala ito na si Eugenio Bermudez Sagaoinit na residente ng nasabing lugar.

Base sa ulat mula sa Manaoag PNP, unang natagpuan ng nagngangalang Joraldo Capua ang nakahandusay sa lapag na katawan ni Sagaoinit kung saan bumubula pa ang bibig nito.


Natagpuan sa lugar ang isang bote ng pesticide na pinaniniwalaang ininom ng biktima.

Natuklasan mula sa mga kamag-anak ni Sagaoinit na ito ay dumaranas ng depresyon dahil sa pagpanaw ng kanyang kabiyak noong Hunyo nito lamang taon. | ifmnews

Facebook Comments