66 Bakwit Galing sa Marawi City, Nakarating na sa Naga City

94

Naitala ng Naga City Police Office (NCPO) na aabot sa anim-napo’t-anim na indibidwal galling sa labing-dalawang pamilya ang nakumpirma na bakwit galing sa Marawi City at ngayon ay pansamantalang naninirahan sa Barangay Lerma at Barangay Concepcion Pequeña na tinaguriang Muslim Community sa lungsod. Ayon sa record ng NCPO, galing ang mga bakwit na ito sa iba’t-ibang barangay ng Marawi City na ngayon lang di-umano napag-alaman ng pamahalaang local ng Lungsod ng Naga matapos mag-imbestiga ang pamunuan ng NCPO sa pamamagitan ni PNP City Director PSSupt Jonathan Panganiban. Ayon naman kay Naga City Mayor John G. Bongat, dapat na kinakailangang mag-imbistiga ang NCPO sa tamang bilang ng Marawi residents na nasa Naga City ngayon para sa gagawing paraan ng pagtulong ng City Hall sa nasabing mga bakwit. – mannybasajr-rmn naga. tags: RMN Naga DWNX 1611, Naga City, Marawi City, Marawi City Evacuees, DWNX 1611 Doble Pasada

Facebook Comments