668 botante, lumahok sa overseas voting test run ng Comelec

19

Umabot sa 668 kwalipikadong botante ang lumahok sa overseas internet voting test run ng Commission on Elections (Comelec).

Sa nasabing bilang, 348 ang actual voters para sa 52% na voters turnout.


Ginanap ang unang test run simula Setyembre 11 hanggang kahapon gamit ang voting system ng voatz.

Kasabay nito, umaasa naman si COMELEC – Office For Overseas voting Director Sonia Bea Wee-Lozada na ganito rin ang magiging resulta sa May 2022 national elections.

Facebook Comments