67 Anyos, Kinasal sa Kasalang Bayan!

Cauayan City, Isabela – Senior citizen na at isa nang tatay ikinasal kaninang umaga, February 22, 2018 sa Kasalang Bayan na ginanap sa F.L. Dy Memorial Colliseum Cauayan City.

Ayon kay Alegario Liaban, hindi sya nagdalawang isip na magpakasal dahil ang tanging hangad nya ay maging ligal ang pagsasama nila ng kanyang asawa, sa kabila na noon ay ayaw pa ng misis nito dahil sa gastusin ng pagpapakasal.

Tubong Amobocan,Cauayan City si Liaban at ang asawa na 44 anyos kung saan anim na taon nang nagsasama sa buhay.


Pawang may mga anak na ang mag-asawa sa kanilang mga unang partner o kinasama kung saan tatlo ang anak ni Aligario na may mga asawa at trabaho na,samantalang tatlo rin sa asawa ni Liaban na dalawa ang may asawa’t trabaho na at isa na lamang ang nag-aaral sa sekondarya na syang kasama ng dalawa sa kanilang tahanan.

Nakikisaka sa munting ektarya si Liaban at may maliit na tindahan nman ang misis nito at nakakaraos nman umano sa kanilang pangangailangan.

Samantala isa si Liaban at asawa nito sa 139 na pares sa isinagawang Kasalang Bayan ng Cauayan City.


Facebook Comments