68 ANYOS NA LALAKI NA TAGA KALIBO NAGNEGATIBO NA SA COVID-19

Kalibo, Aklan — Nagnegatibo na sa Corona Virus Disease 2019 o Covid 19 ro sang ka 68 anyos na lalaki na taga bayan ng Kalibo na nauna nang nagpositibo sa virus.
Ito ang inihayag ni Dr. Cornelio Cuachon Jr., ng PHO-Aklan sa isinagawang press conference ng Provincial Health Office kaninang umaga.
Anya, ito ay ayon sa official result na natanggap kahapon mula sa Western Visayas Medical Center, Department of Pathology, Sub National Laboratory.
Sa kabuuan negatibo na ang 5 na kaso ng Covid 19 sa Aklan na mula sa bayan ng Malay, Libacao at tatlo sa Kalibo.
Samantala, presenteng nakaconfine sa probinsiya ng Iloilo ang 44 anyos na lalaki na taga Altavas, Aklan.
Hinihintay din ng PHO-Aklan ang resulta ng 37 repatriated OFWs kung saan una nang naitala ngayong araw na positibo ang isa sa mga ito.
(c) PHO-Aklan

Facebook Comments