68K HALAGA NG SHABU NASABAT SA DALAWANG LALAKI SA SISON, PANGASINAN

59
Nagkakahalaga ng Php. 68, 000 ang mga iligal na droga na nakumpiska ng awtoridad mula sa dalawang lalaki sa Brgy. Paldit, bayan ng Sison.
Nakilala ang mga suspek na sina Jovito Olape Montero at John Lawrence Queddeng Acosta.
Ikinasa ng awtoridad ang anti-illegal drug buy-bust operation sa pangunguna ng Sison Municipal Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang sa aktong pagbebenta ng iligal na droga.

Nakumpiska sa kanila ang limang sachet ng mga hinihinalang shabu na tinatayang may bigat na sampung gramo at ilang pang mga drug paraphernalia.
Sa ngayon, nananatili ang mga suspek sa kostodiya ng awtoridad at nahaharap sila sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”. | ifmnews
Facebook Comments