6th Saduratan Festival pinaghahandaan na ng LGU Buldon

34

Inilatag na ng LGU Buldon ang ibat ibang mga aktibidad kasabay ng nanalapit na selebrasyon ng ika-anim na taong pagdiriwang ng Saduratan Festival.

Kabilang na rito ang Search for Paramata 2019, Search for Mr. Peace Maker 2019, Street Dancing Competition, Kulintang Competition, Sipa sa Manggis , Mayors Night at marami pang iba.


Itatampok rin sa okasyon ang mga ipinagmamalaking kultura at tradisyon ng mga Iranun.

Kaugnay nito iniimbitahan ng LGU Officials sa pangunguna ni Mayor Abolais Aratuc Manalao ang lahat , na saksihan at makisaya sa kanilang selebrasyon mula October 26 hanggang October 28.

Inaasahang kabilang sa mga magiging pangunahing bisita sa Saduratan Festival si BARMM Interim Chief Minister Ahod Ebrahim na sinasabing lumaki sa bayan ng Buldon.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments

From Advertisers