Tuesday, June 9, 2026

6×6 at may antenna na istruktura sa Bajo de Masinloc, namataan ng mga militar

Nakakita ang mga militar ng isang gumagalaw na istruktura sa loob ng lagoon ng Bajo de Masinloc o Scatborough Shoal sa West Philippine Sea.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines o AFP Chief of Staff Romeo Brawner Jr., may sukat na 6×6, may antenna, at may sakay na anim na indibidwal ang nasabing istruktura.

Samantala, nagpadala na umano ang militar ng aircraft para bantayan ang sitwasyon sa Bajo de Masinloc, habang naglabas naman na ng demarche kaugnay ng pangyayari ang Department of Foreign Affairs (DFA).

Facebook Comments