Inaprubahan na ng Municipal School Board ng Mangaldan ang 7.5 million pesos budget na ilalaan sa hanay ng edukasyon ngayong taon.
Partikular na patataasin nito ang kalidad ng edukasyon pati na ang mga pasilidad sa mga pampublikong paaralan sa bayan.
Nakatakdang ilaan ang naturang pondo sa iba’t-ibang inisyatibo tulad ng pagpapaganda pa ng mga imprastraktura ng mga paaralan, mga kagamitang pang-edukasyon, at iba pang mapakikinabangan ng mga mag-aarl.
Isa sa may pinakamalaking paglalaanan ay sa Operation and Maintenance ng mga pampublikong paaralan na pinaglaanan ng 3 million pesos kasama na rito ang pagkakaroon ng dalawang bagong sasakyan.
Ilan pa sa paglalaanan ng naturang pondo ay sa Facilities and Equipment, Books and Periodicals, Sports Development, ECCD Program Implementation/Day Care Rehabilitation, at Technology and Vocational Training.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments