7.6 million na pamilyang Pilipino, nakaranas ng gutom nitong Setyembre – SWS Survey

76

Umabot na sa higit pitong milyong pamilyang Pilipino ang nakaranas ng gutom nitong Setyembre.

Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 7.6 million na pamilya ang nakaranas ng gutom o katumbas ng record-high na 30.7%.

Ayon sa SWS, ang involuntary hunger o nararanasang gutom dahil sa kawalan ng makakain sa nagdaang tatlong buwan ay tumaas ng 13 points lalo na sa mga walang trabaho o kabuhayan o nasa 38.3% nitong Setyembre.

Nasa 38.4% ang nakaranas ng gutom sa mga hindi pa nagkakaroon ng trabaho habang 24.3% naman sa mga employed.

Ang national mobile phone survey ay isinagawa mula September 17 hanggang September 20 sa 1,249 adult respondents sa pamamagitan ng mobile phone at computer-assisted telephone interview.

Facebook Comments