7-anyos na babae, ginahasa, binasag ang bungo

1909

Paalala: May ilang sensitibong bagay ang naisulat sa artikulong ito. Importante ang patnubay sa mga menor de edad o wala pa sa tamang disposisyon na maaring makabasa ng ganitong istorya.

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang pitong-taong-gulang na batang babae sa Brgy. Pineda, Pasig City.


Basag ang bungo, bugbog sarado at walang suot na pang-ibaba nang madiskubre ang katawan ng biktima sa loob ng bahay ng suspek, Linggo ng umaga.

Agad naaresto ang salarin na kinilalang si Gomer Subido, 43, residente sa naturang lugar.

Positibo siyang itinuro ng mga saksi na huling kasama ng musmos.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, nawawala ang paslit noon pang Sabado ng gabi. Namataan pa ng kaniyang tatay na nakikipaglaro ito sa mga kaibigan pasado alas-8 ng gabi.

Nang hindi makauwi ng alas-9 ng gabi, nagtungo ang magulang ng biktima sa huling kinaroroonan nito.




Doon may nagsabi sa kanila na dinala ng suspek ang kaawa-awang bata.

Ayon sa ina ng biktima, natanggal ang mga ngipin ng anak niya at duguan ang maselang bahagi ng katawan, senyales na nanlaban ito.

Lumabas din sa pagsisiyasat na kilalang lasinggero ang suspek at nambabastos ng mga babae.

Patong-patong na kaso ang kinakaharap ngayon ni Subido na kasalukuyang nakakulong sa Pasig City Police Station.

Facebook Comments