7-anyos na lalaki, nalunod matapos tumaob ang sinasakyang bangka sa ilog sa Chicago

(DepositPhotos)

CHICAGO, Illinois – Patay ang 7-anyos na lalaki matapos tumaob ang sinasakyan nitong bangka habang nasa Chicago river noong Miyerkules, alas 7:00 pm.

Sabi ng Chicago Fire Department sa ABC& Chicago news, narekober ang katawan ng bata sa ilalim ng tubig sa tulong ng helicopters at divers team.

Kritikal ito nang makuha mula sa ilalim ng ilog at agad na isinugod sa ospital kung saan idineklara ring patay na kinalaunan.


Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakasuot ng life vest ang bata buong oras.

Naniniwala ang mga pulis na isang aksidente ang nangyari.

Naiulat na mayroong 9 kataong nakasakay noon sa bangka.

Sinasabing tumaob ito nang may cargo vessel na bumangga dito.

Agad na tumulong ang mga sakay ng cargo vessel kung saan narekober ang limang sakay, tatlong matatanda at dalawang bata na lahat ay nasa kritikal na kondisyon.

Facebook Comments