7-anyos na Lalaki, Patay nang Malunod sa Ilog

19

Cauayan City, Isabela- Binawian ng buhay ang isang pitong taong gulang na batang lalaki makaraang malunod sa Pinacanauan river na sakop sa Brgy. Zone 2, San Mariano, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng PNP San Mariano, ang biktima ay nakilalang si Carl Michael Acoba, na residente ng Brgy. Zone 1 sa nasabing bayan.


Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga otoridad, nagdesisyon umanong maligo ang biktima sa ilog kasama ang iba pa nitong mga kaibigan.

Aksidente umanong natangay ng malakas na agos ng ilog ang biktima na dahilan ng kanyang pagkalunod.

Wala umanong kaalam-alam ang magulang ng biktima na nagtungo sa ilog ang kanilang anak

Kahapon, nakita na lamang ng isang residente sa lugar ang katawan ng bata na agad namang ipinagbigay alam sa pulisya.



Dead on arrival naman ang biktima sa pagamutan, base sa sumuring doktor.

Paaalala ngayon ng mga kinauukulan ang palagiang bantayan ang mga bata para maiwasan ang ganitong insidente.


Facebook Comments