7 Kasapi ng NPA, Sumuko sa Cagayan; Matataas na Kalibre ng Baril, Isinuko rin

22

Cauayan City, Isabela-Sumuko sa tropa ng 77th Infantry Battalion (77IB), 5th Infantry (Star ) Division, Philippine Army, Marine Battalion Landing Team 10 (MBLT10) at PNP ang pitong dating miyembro ng New People’s Army (NPA) bitbit ang ilang matataas na kalibre ng baril sa Cagayan.

Ang mga sumukong rebelde ay pawang mga miyembro ng East Front, Komiteng Probinsya (KOMPROB) Cagayan, Komiteng Rehiyon Cagayan Valley (KRCV).


Kabilang sa mga armas na isinuko ng mga rebelde ang (1) M14 rifle with 1 magazine, dalawang (2) M653 rifles with magazines at 35 ammunition, at apat (4) na M16 rifles.

Tinatayang nasa edad 18 hanggang 26 ang mga sumukong rebelde at isa sa mga ito ay babae.

Kaugnay nito, pinuri naman ni Lt. Col. Joe Boy D Kindipan, Commanding Officer ng 77IB, 5ID, PA ang pwersa ng gobyerno dahil sa matagumpay na pagsuko ng pitong kasapi ng rebelde.

Kinilala rin nito ang suporta ng lokal na pamahalaan dahil sa pagsuko ng mga ito upang magbalik loob sa pamahalaan.



Samantala, pinuri rin ni Maj. Gen. Laurence E. Mina, Commander ng 5ID ang tropa ng AFP at PNP dahil sa kanilang hindi matatawarang pagsisikap para tuluyang mawakasan ang insurhensiya sa kanilang mga lugar na nasasakupan.

Facebook Comments