7 kidnapers kabilang ang 7 Chinese nationals, arestado ng mga otoridad

279

Nasagip ng mga otoridad ang isang Chinese national makaraan itong kidnapin ng kapwa niya Chinese nationals.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Brig. General Roderick Augustus Alba nagawang makatawag ng biktima sa kaniyang live-in partner at doon nalaman ang kaniyang lokasyon.

Agad namang nagpasaklolo sa mga otoridad ang live-in partner ng biktima kung saan agad nagkasa ng operasyon ang PNP.


Sa isang tahanan sa Porac, Pampanga naaresto ang 7 Chinese nationals na kidnappers at 2 Pinoy na nagsilbing look out.

Kinilala ang mga ito na sina Wang Zhen Yu, He Lei, Guo Xiao Qiang, Shi Nan, Xu He Feng, He HAo, Huang Bing Zhou, Leoger Buenaventura at Warren Estera na positibong natukoy ng kidnap victim.

Sa ngayon, inaalam pa ng kapulisan ang motibo sa krimen at inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa mga naarestong suspek.



Facebook Comments